Kampay ng alon sa batuhang dalampasigan,
bumubulwak, sumisirit.
Tila nagsusumamo.
Pumipiglas, nanunukso.
At sa kisap-mata’y biglang
wala.
Ano ang kaligayahan kundi isang dagat ng kawalan?
Posted in Uncategorized | No Comments »
Hawiin ang agiwang isip.
Puksain ang daga sa dibdib.
Isangtabi ang halinghing ng habagat at sa muli’y
lumaban.
Umasa.
Manalig.
Pandayin ang bukang-liwayway sa panaginip
na kanina lamang isiniwalat
ng iyong
paghihimbing.
Posted in Uncategorized | 2 Comments »
You are currently browsing the My Blog blog archives for August, 2006.